MARAMING na-miss habang nasa bahay lamang ang Kapuso hunk at isa sa cast ng Bilangin Ang Bituin Sa Langit na si Yasser Marta.
Isa rito ang pagmo-motor. Aniya, “For me naman, kahit hindi GCQ or ECQ, parang ito na rin ‘yung normal para sa akin.
“Sa bahay lang din ako madalas, mahilig lang ako mag-playstation, tapos ‘yung labas ko para sa gym lang.
“Pero dahil mahilig ako mag-motor, nami-miss ko ‘yung madalas ako nagpupunta sa malalayong lugar kasi mahilig ako sa nature.”
Paalala nga ni Yasser sa mga Kapuso, dapat manatili pa ring maingat at bawasan ang paglabas para maiwasan ang Covid-19.
MATABIL
ni John Fontanilla