Thursday , June 4 2026

Julian Trono, maipagmamalaking kabataan

ISA sa maipagmamalalaking kabataan sa bansa ay ang Viva star/SK Chairman  na si Julian Trono na hindi nagdamot ng oras at panahon para tumulong sa ating magigiting na frontliners at kababayan sa kasagsagan ng Covid-19 pandemic.

Hindi alintana ni Julian ang posibilidad na magkaroon ng Covid-19 sa bawat lugar na puntahan nito kasama ang kanyang grupo para makatulong sa abot ng kanilang makakaya.

Libo-libong vitamins at groceries  ang naipamahagi ni Julian kasama ang kanyang grupo na kanilang nalikom mula sa mga taong may ginintuang puso at bukas ang palad para mag-share ng blessings sa ating mga kababayang nangangailan ng tulong.

Ilan nga sa mensahe ng pasasalamat na natanggap ni Julian at ng kanyang mga kagrupo ay, ”Salamat ng Marami sa walang sawang pagtulong sa mga Butihing Ina ng Tahanan SK Chairman Julian Trono at Brgy San Martin de Porres. Thanks KMAX Plus Herbal Dietary Supplements Nakakatulong magpalakas ng Immune System sa Katawan

#SK_Chairman_Julian_Trono #SoloParentSMDP

“Salamat po ng marami SK chairman JULIAN TRONO at ky SK kagawad Jemer Escaran at sa mga kagawad na kasama nila…

#salute #skchairamanjuliantrono #skkagawadjemerscaran #SMDP #fightasonecovid19.”

Hangang ngayon ay tuloy-tuloy pa rin ang ginagawang pagtulong ni SK  Julian kasama ang kanyang grupo at nililibot nila ang mga lugar na mas nangangailangan pa ng tulong.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …