PINALAGAN ni Ai Ai de las Alas ang naglabasang reports na bubuwisan ang dumaming on-line sellers nitong panahon ng pandemic.
Ang pagbebenta ng ube-cheese pandesal at ibang tinapay ang pinagkakaabalahan ni Ai Ai nitong quarantine dahil nawalan din siya ng trabaho at natigil ang kita ng kanyang resto business.
Bahagi ng banat ng Comedy Queen sa Instagram account, ”Para po sa aming maliliit na online seller sa panahon ng COVID, ginagawa namin to kasama ang mga iba nating kababayan na wala naman ayuda at walang trabaho tu survive sa pang araw araw na buhay…
“Wag nyo sanang isipan na i tax…Salamat po.”
Pinasalamatan din niya si Marvin Agustin na isa sa tumangkilik sa kanyang Martina’s Pastries.
“Thank you baby boy sa help na i-boost ang morale ng maliliit na business kagaya ng sa amin at sa iba pang maliit na negosyong on line ngayong panahn na ito. Labya bebe @marvinagustin.”
Kalakip ng pahayag ni Ai Ai ang pahayag ni Senator Joel Villanueva na kontrang buwisan ang online sellers ngayon.
I-FLEX
ni Jun Nardo