Thursday , June 4 2026

Face-to-face classes sa Maynila, ‘di aprub kay Isko

HINDI pahihintulutan ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang “face-to-face” classes at mga pagsusulit sa paaralan o unibersidad sa lungsod batay sa patakaran na isinaad ng Inter Agency Task Force (IATF) at Commission on Higher Education (CHED) sa ilalim ng umiiral na general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila.

Sinabi ni Mayor Isko, ang naturang pahayag makaraang maka­tanggap ng mga kahili­ngan mula sa mga estudyante at ilang asosasyon o samahan ng mga kolehiyo sa iba’t ibang pribadong unibersi­dad sa Maynila na kung maaaring sila’y magka­roon ng harapang klase dahil inire-require umano sila ng kanilang mga teacher na mag-face-to-face o live classes sa kanilang unibersidad.

“Very clear, I don’t think na Commission on Higher Education (CHED) will allow it. I don’t think so. And I’m not allowing it also, kung ako ang tatanungin nang personal. Kasi nga ayaw ko kayo malagay sa panganib e. Sini-segregate nga natin ang mga tao para hindi magkahawa-hawa tapos ipapasok natin sila sa iisang classroom. 30 sila, 40 sila 50 sila. Parang it defeats the purpose. ‘Yan ‘yung sa akin.” paliwanag ni Domagoso.

Giit ni Domagoso, nasa ilalim ng GCQ ang Maynila, na ang 21 anyos pababa ay hindi maaaring lumabas ng kanilang bahay kaya’t paano mangyayari uma­no ang harapang klase sa unibersidad.

Ibinahagi ng alkalde ang abiso ng CHED sa Higher Education Institutions (HEI) noong 24 Mayo na suspensiyon ng “face-to-face” o “in-person classes” at “mass gathering.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …