Thursday , June 4 2026
COVID-19 lockdown

Balik-ECQ sa MM, fake news — DILG

‘FAKE NEWS’ ang balitang kumakalat ngayon sa social media na muling isasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila matapos ang 15 Hunyo.

Ito ang paglilinaw ni Department of Interior and Local Governmwnt (DILG) Sec. Eduardo Año, na siyang vice chairperson ng National Task Force Against COVID-19, kasabay ng pagsasabing walang katotohanan ang ulat.

Sa 15 Hunyo (ngayong arw) matatapos ang general community quarantine (GCQ) na ipinaiiral sa National Capital Region (NCR).

Kumalat ang balitang maibabalik sa mas mahigpit na ECQ ang Metro Manila dahil sa patuloy na pagdami ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa rehiyon.

“It’s fake,” ayon kay Año.

Naunang nilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na wala pang rekomen­dasyon hinggil dito ang Inter-Agency Task Force (IATF) at ang desisyon ay nasa kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte.

(A. DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …