Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Abby, kay Jomari nakatira

KINUMUSTA ko si Abby Viduya, sa panahon ng Covid-19.

Nasa Parañaque siya. Sa piling ng kasintahang si Konsehal (ng unang distrito ng Parañaque) Jomari Yllana at butihing ina nitong si Mommy Vee.

Naubos na nga yata nila ang mga pelikula sa Netflix. At nadagdagan na ang mga timbang nila dahil na rin sa masasarap na lutuin ni Mommy Vee.

“Mga staff lang ni Jom ang lumalabas. ‘Di lumalabas si Jom. I’m too scared for him to be exposed. Mahirap na ‘di ba.

“So he meets with them here in the house where he gives all the instructions especially for the ayuda to the different barangays. Tuloy lang ang trabaho niya.”

Kumusta naman ang kanyang mga anak na malayo ngayon sa kanya?

“My kids are good naman. Yes I get to talk to them  I have 3 kids 2 girls and 1 boy (18, 9 and 5 years old). My eldest daughter is flying back here once it’s safe to fly. Kaya, I just wish, we keep on praying na mawala na si CoVid-19. 

“Yes things won’t be normal anymore. Scary but it’s the new normal na. Hopefully, they find an anti-virus soon!”

Ayon naman kay Konsi Jom, “Kamakailan ay naghatid po tayo ng bigas sa ating mga punong barangay sa unang distrito ng ating lungsod bilang pandagdag po sa ipinamamahaging ayuda sa ating mga kababayan.

“Ngayon naman po ay tuloy-tuloy pa rin ang pamamahagi natin ng bigas bilang ayuda. Munting tulong po ito para sa mga kababayan nating higit na nangangailangan.

“Katuwang po natin ang ating mga kagawad at SK sa pamamahagi nito. Patuloy po ang serbisyong ibinibigay natin ngayong Covid-19.

“Ito po ang panahon kung saan kinakailangan po tayong lahat ay magtulungan anuman po ang kaya nating maipaabot sa ating kapwa. Dalangin ko po ang inyong kaligtasan.”

#WeHealAsOne #I♥️Parañaque

 

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …