KINASTIGO ng veteran singer at dating Quezon City councilor Anthony Castelo ang ginawang pag-ayaw ni Ormoc City Mayor Richard Gomez na tanggapin ang nagbabalik na OFWs sa kanilang bayan.
“I believe it was a poor judgment on the part of Mayor Richard Gomez of Ormoc City to refuse entry of FWs returning to their hometown from abroad recenty,” saad ni Anthony.
Sinang-ayunan ni Castelo si President Duterte na walang dahilan upang hindi niya tanggapin ang OFWs nang bukas-palad.
Sa isang banda hinangaan naman ng singer ang commitment ni Goma sa disiplina, good governance, at serbisyo sa komunidad.
I-FLEX
ni Jun Nardo