Thursday , June 4 2026

PHLPost: Mga Post Office sa bansa bukas pa rin, iskedyul nito inanunsyo

Nananatiling bukas ang mga tanggapan ng post office sa buong Pilipinas upang maghatid at tumanggap ng liham at parsela.

Ayon sa Philippine Postal Corporation o PHLPost, sinisiguro ng kanilang tanggapan na maihahatid ang mga ipinadadala ng publiko sa kabila ng ipinatutupad na Modified Enhance Community Quarantine (MECQ) sa kalakhang Maynila at General Community Quarantine (GCQ) sa mga piling lugar sa bansa.

Ang mga lugar na nasa MECQ ay magpapatuloy sa pagbibigay ng limitadong serbisyo alinsunod sa pamantayang inilabas ng IATF.

Pinayagan ng pamahalaan na magpatuloy sa serbisyo ang PHLPost upang maghatid ng mga pangunahing serbisyo sa mamamayan.

Bagama’t limitado ang operasyon, inanunsyo ng PHLPost na bukas ang mga post offices sa NCR na nasa ilalim ng MECQ mula Martes hanggang Huwebes sa ganap na ika- 10:00 ng umaga hanggang ika 3:00 ng hapon.

Suspendido pa rin ang pagtanggap ng sulat at pakete papalabas ng bansa habang kanselado ang mga lokal at internasyonal na biyaheng panghimpapawid.  Subalit, patuloy pa rin ang serbisyo ng PHLPost gamit ang land at sea transportation sa paghahatid ng mga padala sa mga probinsya.

Samantala, ang mga post offices sa siyudad at lalawigan na nasa ilalim ng GCQ ay magbubukas na mula Lunes hanggang Biyernes simula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Sa Hunyo 01 na rin sila magsisimulang tumanggap at magproproseso ng Regular at Rush Postal ID alinsunod sa mahigpit na patakarang ipinatutupad ng pamahalaan tungkol sa kalusugan at kaligtasan sa panahon ng epidemya.

Prayoridad din ng PHLPost na ihatid ang mga express mails, mga ipinadadalang gamot, mabilis na masirang pagkain o bagay, pension/loans na tseke mula sa SSS at GSIS at mga naantalang padala simula ng community quarantine.

Bagama’t hindi maiwasan ang pagkaantala sa paghahatid ng mga sulat at pakete dahil sa epidemya,  lubos ang kanilang paghingi ng pang-unawa at paumanhin dahil sa pangyayaring ito.

Gumagawa din ng mga hakbang ang PHLPost upang patuloy na mapaglingkuran ang mamamayan sa pamamagitan ng #PusongPHLPost tulad ng pakikipag-ugnayan sa mga barangay at local officials, cargo/inter-island shipping lines papuntang probinsya, impormasyon at koordinasyon sa mga kliyente nito gamit ang facebook page na: https://www.facebook.com/PHLPost.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

OKGames

OKGames Brings Gaming and Entertainment Together at the OKGL Baccarat Master Series and OKAngels Finals

Lights dimmed, music filled the room, and anticipation grew stronger with every moment as OKGames …

PUREGOLD OPM CON GEN 2026 Feat

SB19, Ben&Ben, Alamat, Flow G
PUREGOLD IPINAGDIRIWANG TALENTO NG PINOY SA OPM CON GEN 

ITATAMPOK muli ng Puregold ang malalim na ugnayan ng mga Filipino at ng OPM sa Araneta Coliseum …

BingoPlus VIP Clubs First every winner of the BMW X1 Hybrid

BingoPlus VIP Club’s First every winner of the BMW X1 Hybrid

BingoPlus VIP Clubs First every winner of the BMW X1 Hybrid Manila, Philippines — A …

SM Bacolod Bulawan Trade Fair

5 Reasons Shoppers are Obsessed with the Bulawan Trade Fair at SM Bacolod
Discover Negrense artisans, local finds, and exciting experiences that deserve a spot on your plans

SM Supermalls and the Association of Negros Producers (ANP) formally open the Bulawan Trade Fair …

SM Supermalls cycling bicycle

SM Supermalls Expands Nationwide Push for Cycling Through Bike-Friendly Facilities and Active Mobility Initiatives

MANILA, Philippines – Since the energy crisis, many Filipinos have been exploring alternative modes of …