Thursday , June 4 2026

Puwet ni Kiray, hinahampas sa galit

UMALMA si Kiray Celis sa mga patuloy na namba-bash sa kanya dahil sa walang takot niyang pagpapakita ng matambok at magandang puwet.

 

Sa Instagram post ni Kiray, sinabi nitong, ‘Pag sexy kahit magpakita araw araw ng dede…OKAY LANG? Pag pwet ko, galit kayo?’

 

Kaya naman 10 pictures ang ipinost ng komedyana para lalo pang ipakita kung gaano nga siya ka-gifted sa kanyang butt.

 

Mayroong naka-two-piece habang nasa beach, mayroon din namang naka-dress, at naka-short. At sa bawat picture na iyon, talagang ine-emphasize niyang she has that nice butt.

 

Kung marami ang nagagalit, marami naman ang pinupusuan ito. Sa totoo lang, umani ng 74k likes ang post niyang iyon sa kanyang IG account na ipinangangalandakan niya ang kanyang butt.

 

Sinabi pa ni Kiray na, “‘Pwet na nga lang malaki sa akin. Maliit na nga HEIGHT at saka BOOBS…Dami niyo pang sinasabi.”

 

Iginiit pa ni Kiray na, “malaki man o maliit, maitim man o maputi. Wala kayong pake kung anong ipo-post ng bawat isa.

 

“Hindi nila ipo-post ‘yun para mabastos. Pino-post nila ‘yun dahil proud sila.”

 

Sa observation namin sa IG ni Kiray, umaani ng napakaraming likes kapag ang post niya ay nagpapakita ng kanyang butt.

 

Tulad niyong nakatalikod siya habang ipinakikita ang super cool bag ng anak-anakan niya. Naka-short-shorts si Kiray na kita na ang sinasabi ngang kuyukot. Pero naman, mayroon iyong 50k likes.

 

Ganito rin karami ang likes na nakuha sa picture ni Kiray habang kasama ang kanyang boyfriend habang sila’y nasa beach. As usual naka- two piece muli si Kiray na kita ang kanyang butt.

 

Sa huli, iginiit pa ni Kiray na, “MORE PWET PA PARA SA INYO!” #PWETSERYE

 

Ha ha ha. ‘Yun na! Meaning, more butt to come…

 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …