Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Megan Young, minsang nagselos kay Andrea Torres

Megan Young bluntly admitted that there was a time when she became jealous of Andrea Torres.

Magkatrabaho raw noon sina Megan at Andrea at the 2016 teleserye Alyas Robin Hood that was starred in by Dingdong Dantes.

Biniro pa ni Mikael Daez ang asawa kung ito ang pagkakataong sukdulan ang naramdaman niyang selos.

Matatandaang sampung taon nang magkarelasyon sina Megan at Mikael at ikinasal sila last January 2020.

Boyfriend naman ni Andrea ang Kapuso actor na si Derek Ramsay.

“The story begins with Mikael starting a new show and starting a new love team, and his love team at that time was Andrea,” asseverated Megan.

Ini-launch raw that year (September 2012) ang tambalan nina Mikael at Andrea sa GMA-7 drama series na Sana Ay Ikaw Na Nga.

Two years nang mag-on that time sina Megan at Mikael pero never nilang inaamin ito in public.

One time, sinabi raw ni Mikael kay Megan na mayroon siyang bagong love team.

Bilang isang artista, nauunawaan raw ni Megan ang sitwasyon ni Mikael.

Nagulat raw si Megan nang sabihin ni Mikael na inihatid niya si Andrea sa bahay nila.

Sagot raw ni Mikael: “Well, I just thought that since I was going in that direction anyways, and we were going from a mall show, I just figured it would be nice, so that I could get to know her more and we could talk.”

Anyway, may mga paglilinaw namang ginawa si Mikael.

Aniya, hindi raw niya sa bahay inihatid si Andrea.

“It wasn’t coming from a mall show. It was coming from a workshop.

“I remember clearly we were in Makati. We were going back to GMA.”

Mikael further explained that he just wanted to achieve a balance so that his tandem with Andrea would be a success.

Another thing, una raw kasing proyekto kung saan una siyang naging leading man at bale big break niya sa showbiz.

Nasundan pa ang pagtatambal nina Mikael at Andrea sa teleseryeng Ang Lihim Ni Annasandra (2014).

Megan admitted her being a jealous woman kaya napag-usapan nila nang maayos ang isyu.

It was a good thing na napagkasunduan nilang maging honest sa isa’t isa noong isang taon pa lamang ang kanilang relasyon.

Na-realize ni Mikael ang kanyang pagkakamali.

“I stepped too far,” he admitted.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …