Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arnell, matagal nang gigil kay Mystica

ANG mensahe ni DA Arnell Ignacio sa pagsasampa niya ng kaso laban kay Mystica.

Mula pa lang nang tuligsain ni Mystica si Pangulong Digong na may kasamang mura, gustong-gusto na ni Arnell na sampahan ito ng kaso.

Pero dahil sa lockdown at quarantine, kinailangan niya munang maghintay ng tamang panahon.

Naganap ito sa Cavite noong Biyernes ng umaga kasama ang kanyang abogado na si Atty. Michelle Sanchez ng David, Buenaventura, Ang Law Office.

Mensahe ni Arnell, “Kapag seryoso ang issue eh, file na ko ng case. Hindi talakan lang sa fb. Hindi mo puwede mura-murahin si presidente  ng ganun-ganun lang at aatungal ka pagkatapos ..mas malala pa na nagyaya ka pa na pabagsakin ang gobyerno imbis na tumulong ka na lang. ‘Yung pagmumura mo naman eh parang PERSONAL ang kasalanan sa iyo eh. Kahit man lang sana sa edad niyong tao eh ibinigay mo na kahit katiting na paggalang.”

Ano naman kaya ang gagawin ni Mystica na katakot-takot na tuligsa na rin ang inabot sa kanyang socmed accounts?

 

 

HARD TALK!
ni Pilar Mateo*

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …