ni Jun Nardo
Maine, sobrang na-miss ng fans; EB, ‘di pa tiyak ang pagla-live
TINUTUKAN ng netizens ang Lockdown Kuwentuhan ni Maine Mendoza sa Facebook page ng Triple A na kanyang management team last Saturday.
Kaswal na kaswal ang pakikipagchikahan ni Meng kay Tristan Cheng ng Triple A. Eh, ang daming fans nga ang gustong magpa-shout kay Maine dahil na-miss nila ang kanilang idolo.
Miss na miss na siya sa Eat Bulaga. Pero saad ni Maine, wala pang katiyakan kung magla-live na ang noontime show sa panahon ng quarantine.
“Nami-miss ko rin ang ‘Eat Bulaga’ Dabarkads. Sana, makabalik na kami nang live para na rin maging masaya tayong lahat,” pahayag ni Meng.
Pero kung mayroong tuwang-tuwa sa nanonood ng programa, ‘yun ay ang Al-Dub Nation na nabuo dahil sa Kalye –Serye ng EB na may rerun ngayon.
I-FLEX
ni Jun Nardo
ni Jun Nardo