TAMPOK si Dingdong Dantes sa anti-Covid-19 campaign ng Department of Health (DOH) at Film Development Council of the Philippines (FDCP).
Personal na kinontak si Dong ni Liza Dino ng FDCP at ang director ng infomercial na si Pepe Diokno.
“Para talaga ito sa telebisyon. ‘Yung ano ang mga dapat gawin para malimitahan ‘yung risks of having Covid-19.
“’Yung mga simpleng bagay na ganoon na siguro rati pero tini-take natin for granted ay napakahalaga talaga para makasalba tayo ng buhay,” saad ni Dong sa interview niya sa 24 Oras.
Dagdag na kuwento ni Dong, katulong niya sa pag-shoot ng clips ang asawang si Marian Rivera.
“Siya ‘yung nag-click ng camera. Ang galing nga eh kasi parang ang ganda ng tandem namin pagdating sa ganoon.
“Ang dali niyang matuto pagdating sa camera.”
Samantala, habang stop taping ang series niyang Descendants of the Sun, may reruns ng Korean adaptation ng Stairway to Heaven na pinagbidahan nila ni Rhian Ramos.
I-FLEX
ni Jun Nardo