NAGPAKAIN ng almusal si Marian Rivera sa mga kalapit barangay kahapon bilang handog niya sa Mother’s Day.
Eh sa umiiral na enhanced community quarantine, magkatuwang sila ng asawang si Dingdong Dantes sa pagpapakain ng mga healthworker at frontliners.
Bukod sa pagtulong, nangunguna pa rin ang pagiging ina ni Yan sa dalawang anak. Sa Instagram niya, nagpasiklab ang anak niyang si Zia nang bihisan niya ang panganay bilang Darna at Dyesebel.
“May pa early Mother’s day pakulo itong si Ate Zia! Familiar ba ang mga look?” caption ni Yan.
Nakaw-pansin ang pagsusuot ni Zia ng Darna costume. Maging si Angel Locsin na na lumabas din bilang Darna ay napahanga kay Zia.
Pinusuan ni Angel ang litrato ni Zia at nagkomento ng, “Mukhang may susunod na Darna ah!”
Tinugunan ni Yan ng emoji ang komento ni Gel.
Tuwang-tuwa naman ang mga netizen sa palitan ng mensahe ng dalawang gumanap bilang Darna, huh!
I-FLEX
ni Jun Nardo