Thursday , June 4 2026

Yayo, umaming nasarapan kay Royce (Kaya nakipag-labasan ng dila at bagang)

HINDI na si Angel Aquino ang may hawak ng titulong Laplap Queen, kundi si Yayo Aguila na. Naagaw ng huli ang titulo ng una.

Kung sa pelikula kasing ginawa ni Angel na Glorious ay grabe ang laplapan nila ni Tony Labrusca, sa Fuccbois ay mas grabe ang laplapan scene ni Yayo sa gumanap na boyfriend niya rito na si Royce Cabrera.

Talagang labasan ng dila at bagang kung bagang ang labanan.

Talagang kinabog  ni Yayo si Angel.

Ang Fuccbois ay napirata. Kaya napanonood ito sa Facebook, Youtube, at Twitter.

Mas marami tuloy ang nakapanood nito kaysa noong ipinalabas last year sa mga sinehan bilang isa sa entry sa Cinemalaya 2019. At lahat nga ay nagsasabing si Yayo na ang bagong Laplap Queen.

Viral nga ngayon sa social media ang picture na ipinapatong ni Angel ang korona kay Yayo. Hindi naman ‘yun totoong nangyari. Magic lang ‘yun ng computer. Ang mga Pinoy naman kasi ay magagaling sa mga ganyang kaek-ekan ‘di ba?

Sa tanong kay Yayo thru chat kung masarap kahalikan si Royce, ang sagot niya ay siyempre masarap.

O ‘di ba, nagpakatotoo lang siya sa pag-amin na nasarapan siya sa laplapan nila ni Royce. Pero for sure, nasarapan din naman sa kanya ang baguhang aktor. Maganda pa rin naman kasi siya Hindi tumatanda ang kanyang hitsura, sa totoo lang.

Kung walang takot at kiyeme na nakipaglaplapan si Yayo kay Royce, pinatunayan niya lang na isa siyang tunay na artista. Ginampanan niya lang ang hinihingi ng kanyang role. Besides, ginawa man niya ‘yun, at wala namang magseselos. Wala naman kasi siyang karelasyon ngayon.

After nilang maghiwalay ng dating matinee idol noong 80’s na si Wiliam Martinez, hindi na siya pumasok sa isang relasyon. Hindi niya na binigyan ng time ang kanyang lovelife. Sa kanyang career at mga anak na lang ang kanyang focus.

 

 

MA AT PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …