PARA hindi makaramdam ng pagkabagot dahil sa ECQ, ginagawang maging busy ng Kapuso actress na si Kim Rodriguez.
At dahil nasanay na halos araw-araw ay nagtatrabaho at laging may pinagkakaabalahan dahil sa kanyang apat na negosyo na siya mismo ang nagpapatakbo sa tulong ng masipag niyang manager na si Jenny Molina at taping ng kanyang kinabibilang serye, ‘di nasanay na maglagi sa bahay ni Kim.
Pero ngayong halos lahat nga ay naka-house quarantine para makaiwas sa Covid-19, ginawang busy ni Kim ang kanyang araw sa iba’t ibang mga bagay.
Una na ang pag-eehersisyo para na rin sa kanyang kalusugan at nang hindi tumaba. Nag try din siyang magluto ng iba’t ibang putahe para sa kanyang pamilya at paminsan-minsan ay nagti-Tiktok. At bilang pagtulong sa ating mga kababayan ay nagpi- Facebook Live at namamahagi ng tulong sa abot ng kanyang makakaya.
Wish nga ni Kim na matapos na ang krisis na pinagdaeanan ngayon ng Pilipinas at ng buong mundo para makabalik na sa trabaho ang lahat at maging normal na muli ang takbo ng buhay ng bawat Filipino.
MATABIL
ni John Fontanilla