Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

DJ’s ng Barangay LSFM 97.1, saludo sa kabayanihan ng mga frontliner

SA Covid-19, isang very touching video ang ginawa ng mga DJ ng Barangay LSFM 97.1 para pasalamatan ang ating magiging at bagong bayani ng bansa, ang mga frontliner na mapapanood sa video ng bawat DJ na nagbibigay ng mensahe at pasasalamat at sa bandang huli ay sabay-sabay na sinaluduhan ang ating mga frontliner.

Pinasalamatan at sinaluduhan ng mga DJ ang ating mga frontliner ang mga doctor at nurse sa mga nagtatrabaho sa banko, transport at delivery services, security guards, at food establishments, media at industriya ng entertainment, hospital staff at medical technologists, social workers, paramedics at scientists, sa mga sari-sari store, pamilihan at grocery stores, volunteer, government at non-government agencies atbp..

Pinasalamatan at sinaluduhan din ng mga Barangay LSFM 97.1 DJ ang kanilang co- DJ’s na sina Mama Belle, Papa Obet, at Papa JT na patuloy pa ring on-air sa Barangay LS sa gitna ng Covid-19.

Mapapanood ang nasabing video sa FB page ng Barangay LSFM 97.1 at sa FB page ng lahat ng DJ ng Barangay LS.

Ang DJ’s ng Barangay LSFM 97.1 ay binubuo nina Papa Carlo, Papa Dudut, Papa Jepoy, Mama Belle, Papa JT, Papa Ding, Papa King, Mama Emma, Mama Cy, Lady Gracia, Papa Ace, Papa Marky, Papa Obet, Papa Bol, at Janna Chu Chu.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …