Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yasser, nai-in-love sa mata ni Kyline

TINANONG namin si Yasser Marta kung sino ang crush niya o pinagpapantasyahan sa showbiz.

“Pinapagpantasyahan? Siguro… ako ang focus ko talaga ngayon na kay Kyline eh, parang ‘pag nakakakita ako ng iba, kahit maganda, parang hindi ako na-a-attract and sobrang into the characters kami ngayon, kaya ako wala akong ibang gusto kundi si Maggie.”

Gumaganap si Kyline Alcantara sa Bilangin Ang Bituin Sa Langit bilang si Maggie, si Yassser naman ay bilang si Jun sa drama series ng GMA.

Puwedeng main-love si Yasser kay Kyline sa tunay na buhay?

“Wala namang imposible, let’s see talaga kung anong mangyayari. Ayokong…gusto ko dahan-dahanin, iyon ang mahalaga, napakabata pa ni Kyline.”

Ano ang pinakagusto niya physically kay Kyline?

“’Yung buong face niya, sobrang alam mo ‘yun, parang symmetrical na tamang-tama.

“’Yung mata…grabe ‘yung emotions ng mata niya. Minsan sa set hirap akong humugot, bumabalik lang ako sa basic na nakikinig lang ako sa kanya, and eventually nararamdaman ko na napakagaling.”

Sa ugali ni Kyline ano ang gusto niya?

“Iyon nga, napaka-jolly niya, sobra ‘yung energy niya.”

Seryosong tao si Yasser, opposite sila ni Kyline?

“Hindi naman, ako gusto ko lang din… masaya akong tao eh, masayahin din akong tao, madali akong paki­samahan.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …