Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angelika, walang shutdown sa pagtulong sa mga kabarangay

TULOY-TULOY pa rin ang serbisyo ni Angelika dela Cruz bilang Barangay Chairwoman sa Longos, Malabon, sa kabila ng dinaranas na COVID-19 sa bansa.

At sa mga ganitong sitwasyon, hindi naman sila puwedeng basta mag-shutdown ng serbisyo sa barangay. Sabi nga niya nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa telepono, ”O.A.” na pag-iingat na lang ang ginagawa nilang lahat.

“Siyempre, the usual, ‘yung temperature check. Kailangan ‘yung mga darating sa barangay, naka-mask. Kailangan bago pumasok pa lang ng gate, naka-alcohol. Bago pumasok ng mismong building, alcohol ulit. Lahat ng events, canceled siyempre. Wala kaming SOBA, wala kaming seminars. Siyempre, ang hindi mo lang puwedeng alisin, ‘yung health center, lalo na ngayon.”

Kung may SONA o State Of the Nation Address ang Presidente ng bansa, may SOBA, o State Of the Barangay Address si Angelika. Hindi nga nila nagagawa ito ngayon dahil sa COVID-19 scare. Nag-disinfect  sila ng buong barangay ngayong weekend.

Wala na ring pasok ang mga eskuwelahan, pero sila sa barangay, tuloy-tuloy lang.

“Kailangan, eh, kami ang frontline. Kailangan kami roon,” pagbabahagi pa ni Angelika.

Personal pa ring pumupunta si Angelika sa barangay. Ang kaibahan lang ngayon, dahil sa COVID-19, hindi na siya kumakamay sa tao. Kapag may gustong kumamay sa kanya, sinasabi na lang niya na at saka na lang kapag wala nang coronavirus.

Okey lang  kay Anglica kug masabihan siyang suplada dahil sa hindi niya pakikipagkamay. Wala siyang keber kahit ma-misinterpret siya.

“Wala tayo sa sitwasyon para intindihin pa kung ano ang sasabihin ng ibang tao. Kaya lang kasi, ako, mapagbiro ako. Kaya kong sabihin na, ‘Oops, bawal, corona!’ Tapos, natatawa na lang sila. Eh, kasi nako-comedy ko naman.”

Kuwento pa ni Angelika, ”Rati kapag nag-a-alcohol daw, maarte. Eh, ngayon, hawak ko ‘yung alcohol, kebs. Nagbibiro pa nga ako ng, ‘Huwag kayong lalapit, spray-an ko kayo ng alcohol. Ayaw ng corona.”

Tama lang naman si Angelica kung hindi na siya nakikipagkamay. Ang mas importante ay masiguro niya na hindi siya mahahawahan ng COVID-19, ‘di ba? Nag-iingat lang naman siya.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …