Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alice, Max, at Jen, may kanya-kanyang paraan para makaiwas sa Covid1-19

PARA-PARAAN ang ilang Kapuso celebrities para makaiwas sa epekto ng lumalaganap na Corona virus sa bansa.

Eh suspendido rin ang live shows at tapings ng ilang Kapuso shows kaya pansarili muna ang hinaharap nila upang makaligtas sa virus.

Pag-e-exercise ang ginagawa ni Alice Dixson habang on-hold ang taping niya ng The Legal Wives.

Eh si Max Collins na buntis ngayon sa asawang si Pancho Magno, linis-bahay silang mag-asawa. Nakahanap naman ng oras para magsimba ang bagong kasal na sina Juancho Trivino at Joyce Pring sa pamamagitan ng live streaming.

Eh si Jennylyn Mercado, naisapuso na ang character niya sa Descendants of the Sun bilang doctor. Pinaalala niya na palaging maghugas ng kamay at gawin ang social distancing na pinaiiral ngayon.

Samantala, hanggang ngayong March 20 na lang muna ang fresh episode ng Love of My Life. Pansamantala itong papalitan ng dating hit series na My Husband’s Lover.

Ang ilan pang dating shows ng GMA na ibabalik sa ere ay ang Encantadia at Ika-Anim na Utos. Ang Encantadia ang ipapalit sa noontime show na Eat Bulaga at Sunday show na All Out Stars.

Dahil sa enhanced community quarantine, pailan-ilan lang ang TV commercials ng mga show dahil sa mga news program ang tutok ng manonood.

Stay at home, be safe and pray!

I-FLEX
ni Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …