Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
lotlot de leon

Lotlot may mungkahi sa mga street children — Kunin muna sila ng DSWD

I  always remind my children na dobleng-ingat, actually, hindi lang doble kundi todong pag-iingat, lalo na sa health, sa hygiene, para makaiwas,” umpisang pahayag ni Lotlot de Leon tungkol sa banta ng COVID-19 sa buong mundo.

Apat ang mga anak ni Lotlot sa dating mister na si Ramon Christopher, sina Janine, Jessica, Diego, at Maxine Gutierrez.

Bilang isang ina, nangangamba rin si Lotlot tulad ng halos lahat ng tao sa buong mundo, sa dulot ng Covid-19.

Sabi ko sa kanila, lagi kong paalala, proper hygiene talaga, wash your hands, be sure na… kung hindi naman kailangang lumabas, stay home ‘di ba? Kung hindi naman importate sa bahay lang.

And like si Max, especially, she’s graduating, hindi muna matutuloy.”

Ga-graduate sa elementarya si Maxine (bunsong anak ni Lotlot) sa April 3 sana pero dahil sa community quarantine sa buong Metro Manila ay wala ng pasok at graduation ceremonies.

Speaking of her kids, ang unico hijo niyang si Diego ang bagong talent ng LVD Manage­ment and Con­sultancy Services ni Leo Do­mi­nguez; iisa na ang manager ngayon nina Lotlot, Diego, at Janine.

Kaya todong pag-iingat ang mungkahi ni Lotlot para sa lahat.

May mungkahi rin si Lotlot para sa mga street children.

Kasi kawawa sila, eh. Sana lang kunin muna sila ng DSWD, tapos put them in a shelter. To protect them also, kasi sila, wala naman silang kakayahang bumili ng gamot.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …