Thursday , December 26 2024

Baguio City nasa ilalim ng community quarantine

INIANUNSIYO ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong nitong Lunes, 16 Marso, ang paglalagay sa Summer Capital ng bansa sa ilalim ng community quarantine upang mapigilan ang pag­kalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Inilabas ang deklara­syon sa gitna ng paglaki ng bilang ng mga person under monitoring (PUMs) para sa COVID-19 sa kalapit na mga lalawigan at mga munisi­palidad.

Sa kabila nito, nananatili pa rin na walang kompir­madong kaso ng respiratory disease sa lungsod, ayon sa local health officials.

Dagdag ng alkalde, hindi maituturing na ‘lockdown’ ang quarantine na tatagal hanggang 15 Abril 2020 dahil hindi tuluyang ipatitigil ang pagkilos ng mga tao.

Aniya, maglalagay sila ng mga mekanismong mag­hihigpit sa mga control and response measure kabilang ang health declaration form para sa contact tracing.

Noong Linggo, 15 Marso, isinailalim ng lokal na pamahalaan ang lalawigan ng La Union sa community quarantine upang mapigilan ang paglaganap ng virus.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *