Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kelvin Miranda

Kelvin Miranda, itinuturing na biggest break ang pelikulang Dead Kids 

AMINADO si Kelvin Miranda na itinuturing niyang biggest break bilang actor so far ay nang nagbida siya sa pelikulang The Fate at ang Dead Kids, na unang Netflix film mula sa Filipinas.

Sambit ng guwapitong actor, “Nakatataba ng puso na naging part ako ng Dead Kids na first na Filipino na inter­national na napanood, kasi ay na-appreciate talaga ng mga tao itong movie namin.”

Dagdag ni Kelvin, “Masarap sa pakiramdam na hindi lang kapwa Pinoy ang nakapanood sa iyo, kundi pati buong mundo, bale. Kasi talagang relevant iyong movie at na-appreciate talaga siya, lalo ng mga kabataan ngayon.”

Sinabi rin niyang sobrang proud siya sa pagiging parte ng Dead Kids.

“So, bale pinatunayan ng Dead Kids na kaya rin palang gumawa ng mga ganyang pelikula ang Pinoy, na kaya rin natin makipagsabayan sa pang-international. Kaya sobrang proud po ako at thankful sa pelikulang iyan at hindi ko iyan makakalimutan sa habang huhay.”

Pinuri rin niya bilang isang cool na director si Mikhail Red na siyang namahala sa Dead Kids.

“Nagpapasalamat din ako kay Direk Mikhail Red sa opportunity na ibinigay niya sa aming lahat, napa­kabait niyang tao, cool, collaborative, at matalino,” esplika ng Kapuso actor.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …