Thursday , December 26 2024

Guest nagpositibo sa COVID-19… Lockdown sa Wack Wack ipinatupad

NAGBABA ng lockdown ang Wack Wack Golf and Country Club sa lungsod ng Mandaluyong simula kahapon, 11 Marso, matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-2019 ang isang banyagang guest ng isa sa mga miyembro nang makauwi sa Singapore.

Sa isang sulat na ipinadala ng Wack Wack sa kanilang mga miyem­bro noong Martes, 10 Marso, sinabi ng Presi­dente nitong si Lawrence Tan, ang pansamantalang pagsasara nila ay upang makapaglinis at makapag-disinfect sa establisimiyento upang maseguro ang kaligtasan ng lahat.

Ayon sa mga ulat, dinala ng miyembro ng Club ang kaniyang guest noong 2 Marso at nabigla nang malamang positibo ang bisita sa COVID-19 pag-uwi niya sa Singapore kinabukasan.

Bagaman hindi gumamit ng locker room, nag-alala ang member host sa posibilidad na mahawa ang ilang mga tauhan at empleyado ng Club na nakasalamuha ng kaniyang bisita.

Isinailalim sa quarantine ang dalawang caddy na nagsilbi sa miyembro at kaniyang bisita kasama ang dalawa pang ibang caddy na nakasama niya sa flight.

7 SA 33 COVID-19
PATIENTS RESIDENTE
NG SAN JUAN
— MAYOR ZAMORA

KINOMPIRMA ni San Juan City Mayor Francis Zamora noong Miyer­kules, 11 Marso, na pito sa 33 pasyenteng nagpo­sitibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa bansa ay pawang mga residente ng lungsod ng San Juan.

Sa siyam na bagong kasong inianunsiyo noong Martes, 10 Marso, dalawa sa kanila ay mula sa naturang lungsod.

Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) na ibinigay ni Zamora, mula sa Bara­ngay Greenhills ang 62-anyos lalaking pasyente, habang taga Barangay Matunas ang 28-anyos babaeng pasyente, na kapwa naka-admit sa isang pribadong paga­mutan sa lungsod ng Pasig.

Nabatid, ang limang iba pang pasyente ay mula sa mga barangay ng Greenhills, Little Baguio, West Crame, at Corazon de Jesus.

Lima sa pitong kaso sa lungsod ay napag-alamang walang travel history sa labas ng bansa.

Dagdag ni Zamora, taga-Cainta ang isang 62-anyos pasyenteng nasa kritikal na kondisyon at madalas umanong magpunta sa isang pook-dasalan sa Greenhills.

Unang lokal na kaso ng COVID-19 dahil walang travel history ang pasyente at naitala din ang kaniyang asawa na unang pasyente sa local transmission.

Kaugnay nito, sini­mu­lan ng pamahalaang lungsod ang paglilinis at disinfection program kabilang ang canon at turbo misting sa mga paaralan at mga kalye sa Barangay West Crame.

CURFEW PAIIGTINGIN
SA MGA ESTUDYANTE
— NCRPO

SA GITNA ng suspen­siyon ng mga klase sa Kamaynilaan, sinabi ni P/Maj. Gen. Debold Sinas, direktor ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kaha­pon, 11 Marso, pauuwiin ng mga pulis ang mga menor de edad na maki­ki­tang nagpupunta sa mata­taong lugar na walang kasa-mang matan­da.

Nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensiyon ng mga klase sa lahat ng antas sa buong Kamay­nilaan mula Martes, 10 Marso hanggang 14 Marso, Sabado bilang preventive measure laban sa posibleng pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Dagdag niya, mahig­pit nilang ipatutupad ang curfew para sa mga menor de edad (18 anyos pababa) mula 10:00 pm hanggang 4:00 am.

Ani Sinas, nakasala-lay sa bawat lokal na pa-mahalaan ng mga lung-sod ang eksaktong oras ng curfew, ayon kay P/Maj. Britz Estadilla, tagapag-salita ng NCRPO.

Nananawagan si Si-nas sa mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak.

Isinailalim na rin ng NCRPO sa heightened alert status ang Metro Manila upang mase­gurong mapigilan ang pagkalat ng virus.

(A. DANGUILAN)

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *