PINAGLARUAN ni Barbie Forteza ang co-stars at staff ng series niyang Anak ni Waray versus Anak ni Biday sa isang taping nang pagsisigawan niya silang lahat.
“Gusto kong magpahinga! Huwag kayong maingay!” bulyaw ni Barbie sa lahat sa standby room.
Eh kakuntsaba pa niyang lahat ang mga taon sa room para sa kanyang ginawang Tik Tok challenge, huh!
Naku, ano ba ang mayroon sa Tik Tok challenge na ‘yan at halos lahat ng mga artista at ordinaryong tao eh nakiki-challenge?
May pera ba riyan, Maricris? (Ang alam ko delikado ayon sa mga lumalabas na balita ngayon.—ED)
I-FLEX
ni Jun Nardo