MULING umaarangkada ang career ng grupong UPGRADE na kinabibilangan nina Miggy, Rhem, Casey, Armond, JV, Mark, Ivan , Earl, Joshua, Hanz, Prince, at Raymond dahil sunod-sunod ang kanilang shows ngayong taon dito at sa ‘Pinas at sa ibang basa.
Bukod sa kanilang regular guestings sa Umagang Kay Ganda at Unang Hirit ay kabila’t kanan ang show nila, na noong March 02 ay nasa Tarlac ang UPGRADE para sa Kanlahi Festival sa Maria Christina Park, na nakasama nila sina Ely Buendia, Kamikazee, Urbandub, Hashtag Niko, Kim Rodriguez, Ana Ramsey, at SexBomb New Gen, Pricetag, at JP Bacalla hosted by Papa Jepoy & Papa Churlz. Habang sina Casey, Armond, Ivan, at Mark ay nasa Japan para sa tatlong buwang shows doon.
Maaalalang unang napanood ang Upgrade sa defunct show ni yumaong Kuya Germs na Walang Tulugan with the Mastershowman at sumikat nang mag-viral ang kanilang video na Twerk It Like Miley na pumalo na sa 8 Million views sa Youtube at doon nagkasunod-sunod ang kanilang projects mula sa sandamakmak na endorsements, guestings, at album.
At ngayong 2020 ay sunod-sunod nga ang proyektong gagawin ng UPGRADE. Magkakaroon sila ng concerts, mall shows, endorsemenrs, at single.
MATABIL
ni John Fontanilla