Sunday , May 19 2024
arrest posas

Wanted sa 2 kasong rape arestado

MATAPOS ang mahigit isang-taon pagtatago, isang lalaki na wanted sa dalawang kaso ng panghahalay at nasa listahan ng 6 most wanted person ang nasakote ng mga awtoridad nang tangkaing bumisita sa kanyang bahay sa Navotas City.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas ang suspek na si Jaymart Gozon alyas Bench Evo, na hindi pumalag nang arestohin ng mga elemento ng Intelligence Section sa pangunguna ni P/Lt. Charlie Bontigao dakong 7:00 pm sa kanyang bahay sa Dr. Bausa St., Brgy. Bagumbayan South.

Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Navotas Regional Trial Court (RTC) Judge  Ronald Torrijos ng Branch 288 dahil sa dalawang bilang ng panghahalay at paglabag sa RA 9262 o Anti Violence Against Women and their Children Act na inisyu ni Judge Catherine Therese Tagle-Salvador ng Malabon RTC Branch 73.

Ayon kay Col. Balasabas, ang dalawang kaso ng rape ay isinampa kontra Gozon nang ireklamo ng dalawang beses na panggagahasa sa isang 21-anyos na babae mula sa San Pedro, Laguna noong 3 Enero 2019 sa loob ng kanyang bahay sa Dr. Bausa St., Brgy. Bagumbayan South.

Nang mabigo ang pulisya na maaresto si Gozon matapos ang reklamo ng biktima sa Navotas Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD), isinampa ang kaso sa korte kontra sa suspek ni Assistant City Prosecutor Gilbert Cruz, kaya’t nag-isyu si Judge Torrijos ng arrest warrant kontra sa kanya noong 6 Mayo 2019.

Kaagad ikinasa ng pulisya ang isang “Manhunt Charlie” kontra kay Gozon matapos siyang mapasama sa listahan ng top 6 most wanted person sa lungsod hanggang maaresto makaraan ang ilang linggong pinaigting na surveillance at intelligence operation.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

dead gun police

Ikinumpisal bago nalagutan ng hininga
MAGKAIBIGAN ITINUMBA NG 4 KAALITAN

BINAWIAN ng buhay ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng apat na pinaniniwalaang kanilang mga kaalitan …

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *