Thursday , June 4 2026

Julia, napalaban sa matinding aksiyon sa 24/7; most watched pa at nanguna sa ratings

PASABOG agad sa aksiyon ang unang eksenang napanood noong Linggo ng gabi sa panimula ng 24/7 ng Dreamscape Entertainment at pinagbibidahan nina Julia Montes at Arjo Atayde.

Kaya pala nag-training si Julia ng martial arts ay mapapalaban siya sa matitinding labanan. Sumailalim din si Julia sa firing refresher course and arnis lessons dahil very physical ang demand ng kanyang role.

Bago ito’y marami na ang nag-abang sa bagong teleserye lalo na kay Julia Montes na ang karakter ay isang lady guard sa isang ospital na nagkaroon ng epidemya dala ng isang bagong uri ng dengue na hinahanapan pa ng lunas.

Dahil nga sa marami ang naghihintay kay Julia, agad itong pumalo sa takilya. Nanguna ito at most watched shows nationwide na nakapagtala ng 27% ratings noong Linggo (February 23).

Kasama rin sa 24/7 sina Edu Manzano, ang Pharmaceutical owner, Arjo isang doktor at anak ng may-ari ng ospital, JC Santos, isa sa mga raliyista.

Kasama rin sina Denise Laurel bilang isa sa doktora at may kinalaman sa itinagong gamot, Joem Bascon at Pat Suigi bilang mga pulis, Pepe Herrera bilang guwardiya ng ospital, Joross Gamboa na may koneksiyon kay Julia, Eric Fructuoso na personal bodyguard at marami pang iba.

Palaisipan naman ang karakter ni Meryll Soriano na iniligtas ni Julia nang maligaw sa ospital na roon nagkaroon ng kaengkuwentro si Julia nang tulungan ang aktres.

Samantala, makabuluhan at napapanahong kuwento ang tampok sa  24/7, na isang action-drama series ni Julia.

Bago maipalabas, agad nakakuha ng halos dalawang milyong views ang trailer nito.

Pinamagatang 24/7 ang serye dahil ito ay tungkol sa pagmamahal ng isang ina para sa kanyang anak – pagmamahal na hindi natutulog. Hangad din nitong magdala ng kamalayan tungkol sa mahahalagang isyu sa lipunan at tatalakayin ang responsibilidad na nararapat na gampanan ng lahat—mayaman man o mahirap—sa isa’t isa.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …