HAPPY ang newest Kapuso star na si Kisses Delavin dahil sa magandang pagtanggap sa kanya ng GMA Network. Wish niyang makatrabaho sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Kuwento ni Kisses nang mag-guest sa DzBB 594 program na Bidang-Bida sa Dobol B para mag-promote ng Daig Kayo ng Lola Ko sa episode na Meramaid To Each Other na makakasama sina Sanya Lopez, Gil Cuerva,Jeric Gonzales, Patricia Javier, Bodgie Pascua atbp. at mapapanood sa buong buwan ng Pebrero hangang unang linggo ng Marso ay matagal nang gusto niyang makatrabaho ang mag-asawa.
Bale ang Daig Kayo ng Lola Ko ang unang proyekto ni Kisses sa GMA simula nang lumipat mula ABS-CBN kaya naman sobra ang saya niya. Pangarap din niyang mapasama sa mga up-coming teleserye ng Kapuso Network.
MATABIL
ni John Fontanilla