Thursday , December 26 2024

State guarantee hinarang ng ex-solon… Dennis Uy supalpal sa ‘shopping spree’

SINOPLA ng Makabayan bloc ang paghingi ni Davao-based business­man Dennis Uy ng sovereign guarantee para sa bilyon-bilyong pisong uutangin para sa patuloy na ‘shopping spree’ sa higit na pagpapalawak  ng negosyo.

Ayon kay Bayan Muna Chairman Neri Colmeranes, hindi naka­pagtataka ang ginawang ‘buying spree’ ni Uy sa ilang malalaking kom­panya mula noong 2017 hanggang 2019 dahil inaasahan nito ang backing o suporta ng administrasyong Duterte.

Ngunit ang pagga­garantiya pa ng gobyerno sa mga utang nito ay malinaw aniyang pan­sariling interes na dapat tutulan ng taong bayan, lalo ng Kongreso.

Sa disclosure ng kom­panya ni Uy na Chelsea Logistics and Infras­tructure Corp., hinihingi nito ang garantiya ng Philippine Guarantee Corp. (PhilGuarantee) para sa bagong loans sa mga nominated bank at financial institution.

Sa oras na pagbigyan ng gobyerno ang apli­kasyon ni Uy ay mag­kakaroon ng mandato ang PhilGuarantee na bayaran ang 90% ng loan amount kung magkaroon ng default o hindi maka­bayad si Uy.

Bunga nito, binantaan ni Colmenares ang PhilGuarantee sa pag­bibigay ng sovereign guarantee kay Uy at sa iba pang malalaking nego­syo at hinamon din ang ahensiya na ilabas ang listahan ng mga negosyong binigyan ng guarantee sa ilalim ng administrasyon ni Pangu­long Rodrigo Duterte.

“We warn PhilGuarantee against giving sovereign guarantee to big businesses at the expense of farmers, SMEs and public housing who need these funds the most. Additionally, we demand PhilGuarantee not to give guarantees on the basis of the closeness of the applicant to Pres. Duterte instead of on the merits” ani Colmenares.

“If the reports that Chealsea Logistics is planning to ask for sovereign guarantee are true, Filipino taxpayers should not be made to pay for loans of big business, that could have been used by farmers, taxpayers must be informed where their taxpayers money are spent,” giit ni Colmenares.

Hindi pa batid kung ang hinihinging state guarantee ni Uy ay para sa mga bagong uutangin niya o maging ang mga nauna nang loans sa iba’t ibang institusyon ay kasama.

Hanggang Setyembre 2019, ang kompanya ni Uy ay may kabuuang pagkakautang na P16 bilyon na nakuha mula sa Development Bank of the Philippines, BDO Unibank, Amalgated Investment Ban­cor­poration, Visayan Surety and Insurance Corp, Philippine National Bank, at Beijing-based Bank of China dahil sa ginawang ‘buying spree.’

Ilan sa mga nabili ng Udenna Corp ni Uy sa nakalipas na tatlong taon ay 45 percent stake ng Chevron sa Malampaya gas field sa Palawan; ang Philippine Franchise ng international service food chain na Wendys, gayon­din ang Conti’s Restaurant; Philippine Franchise ng Family Mart; ang kompanya ni Uy na Motorstrada Inc., na nakuha rin ang exclusive general distributor ng Ferrari Sports Car, parts and accessories sa Fili­pinas.

Nabili rin niya ang SuperCat Fast Ferry Corp., ang subsidiary ng 2GO na si Uy ang Chair­man of the Board; at ang BGC-based na Enderun Colleges.

Si Uy rin ang nasa likod ng development ng Clark Global City, ng third telco na Dito Tele­community at ang $300-M casino complex sa Cebu City.

Sa isang artikulo, sinabi ni Rachelle Cruz, analyst sa AP Securities, ang pagiging malapit ni Uy kay Pangulong Dute­rte ang nagdala sa kan­yang kinarooonan ngayon.

“His friendship with Duterte opened oppor­tunities to enter into new business that he grabbed aggressively. Uy’s main challenge now is making these businesses work and turning Udenna into a holding that would last beyond Duterte,” pali­wanag ni Cruz.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *