HAPPY si Sylvia Sanchez sa bagong award na natanggap mula sa Laguna Excellence Awards 2020, ang Outstanding TV Actress of the Year para sa mahusay na pagganap sa ABS-CBN drama series na Pamilya Ko.
Ani Sylvia nang makausap namin sa shooting ng pelikulang Coming Home, na very thankful siya sa bagong award na nakuha niya at buong puso siyang nagpapasalamat sa bumubuo ng Laguna Excellence Awards sa karangalang ibinigay sa kanya.
Dagdag pa ni Sylvia, isa na naman itong inspirasyon na babaunin niya sa bawat proyektong gagawin.
Pasasalamat din ang gusto niyang iparating sa CEO President ng Beautederm na nag-post ng pagbati sa kanyang bagong award. Post ni Rhei sa Facebook, ”So proud of you my Ate Jojo Campo Atayde (Sylvia) Congratulations!”
Bukod sa LEA, nominado naman bilang Best Lead Actress In A Foreign Language Film si Sylvia sa North Europe International Film Festival mula sa mahusay niyang pagganap sa pelikulang Jesusa.
MATABIL
ni John Fontanilla