Ang eight year old na si Kaori Hailey Tanaka ay isang talented na bata na pumapalaot ngayon sa mundo ng musika. Ang father niya ay Japanese at ang mother niya ay Pinay.
Tatlong taon pa lang daw ay napansin ng mother niya ang talent ni Kaori sa pagkanta, kaya sinuportahan na nilang mag-asawa sa workshops sa iba’t ibang larangan gaya ng singing, dancing, at acting. Kumakanta rin siya sa school event nila at mall shows, and naging finalist sa SM Little Star last 2018. Ang naging talent niya rito ay singing at acting.
Last Dec. 26, 2019 ay nagkaroon si Kaori ng solo concert sa Riverbank, Marikina. Dito’y masayang-masaya siya sa pagkakataong magkaroon ng solo-show.
“Masayang-masaya po talaga ako sa opportunity, kaya po pagbubitihin ko pa talaga ang pagpe-perform,” nakangiting wika ni Kaori.
Sina Sarah Geronimo at Morissette ang mga idol na singer ni Kaori at wish na sundan ang yapak. Sinabi niya ang rason nito, “Gusto ko po kasi ang mga kanta nila and alam ko po na mababait sila, kaya sila ang gusto kong sundan ang yapak.”
Sa ngayon ay nakipag-usap na sila sa isang songwriter para gumawa ng environmental theme na kanta na babagay kay Kaori.
Ano ang wish niyang mangyari sa kanyang career as a singer? “Sana po makapasok ako sa mainstream ng showbiz at makagawa ng magagandang project sa singing at acting,” sambit ng cute na si Kaori.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio