Sa tulong ng kanyang publicist at kaibigang si Alex Datu ay naging successful ang Philippine tour ng Pinay recording artist na si Diane de Mesa na matagal nang based sa northern California, USA.
And in all fairness, multi-talented itong si Diane na kayang magsulat ng kanta in less than 5 minutes at pawang true to life about love ang kanyang kino-compose na songs.
Sa lakas ng dating ni Diane sa social media, na ang ang Youtube channel ay mayroon nang 18K subscribers (still counting) na may mahigit 9 million lifetime views. At yung awitin ng singer na “Miss Na Miss Kita” ay umabot na sa 200,00 streams na may 65 listeners o downloaders bagay na may karapatan si Diane sa titulong hawak na “Princess of Love Songs.”
Bahagi ng tour ni Diane ay nagkaroon siya ng pagkakataon na ma-meet ang ilang entertainment press and vloggers. Naimbitahan rin siyang mag-guest sa iba’t ibang toprating AM and FM Stations and kumanta rin sa katatapos na PMPC 11th Star Awards for Music na ginanap sa Skydome sa SM North EDSA.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma