Thursday , June 4 2026

Kim, naka-relate sa Love Thy Woman; Now I understand the feeling ng mga kapatid ko sa labas

HINDI napigilang maluha ni Kim Chiu nang mapag-usapan ang ukol sa kanyang ama sa presscon ng Love Thy Woman, ang teleseryeng pagbibidahan niya kasama si Xian Lim na mapapanood na simula Pebrero 10.

Bago ang pag-iyak, inamin muna ni Kim na mayroong ibang pamilya ang kanyang ama na tulad sa kuwento ng Love Thy Woman na  mayroong 2nd family si Christopher de Leon. Mayroon din siyang mga kapatid sa labas. Sila ang first family ng kanyang ama samantalang sa Love Thy Woman, sila ni Sunshine Cruz (ang kanyang ina) ang 2nd family at si Yam Concepcion ang sa first family na anak naman ni Eula Valdes.

Aminado si Kim na naka-relate siya sa istorya dahil may mga kapatid siya sa labas, ”Tinitingnan ko kapag umaarte kami. Kawawa rin pala ang mga anak (sa labas) ng Papa ko, ‘no? Kasi kapag first family parang ikaw ang ‘yung pinakamatapang.

“My character came from second family, so now I understand the feeling ng mga kapatid ko sa labas. Marami naman kami. Masipag ang Papa ko. Hindi, mapagmahal lang ang Papa ko. In this teleserye, you can see what happens inside a modern Chinese family,” sambit pa ni Kim.

Kaya nang natanong siya kung paanong nabago ang pagtingin niya sa love gayung may extended family din ang kanyang ama, sinabi nitong, ”Growing up, lagi akong nagwa-wonder kung nasaan ang papa ko, lagi kasi siyang wala. Ang dami kasi niyang pinupuntahan. Hindi kasi siya bahay, sa city siya. Nililipad niya talaga iyon.

“Habang lumalaki, okay na ako na wala akong father figure. Pero kapag may special events, nariyan naman siya. Kunwari may event, bibigyan ako ng award, honor kasi ako noong elementary ako, ‘ah, sino ang pupunta, sino ang aakyat (sa stage)?’ Magugulat na lang ako, ‘ah, si Papa pala. Dumating pala siya.’

“Iyon ang naging motivation ko, na mag-aral akong mabuti para every time na mayroon akong award, pupunta siya. Sa mga birthday…hala, naiiyak ako,” sabay tulo ng luha.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio  

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …