Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anak suportado ni Dovie San Andres… Robin Padilla gustong makasama sa pelikula ni Elrey Binoe Alecxander

Kaysa ibigay ang suporta sa mga pekeng guy na binobola lang siya, desidedo si Dovie San Andres, sa pag-build-up sa guwapong anak na si Elrey Binoe Alecxander na nasa poder niya sa Canada.

Ayon kay Dovie, bata pa lang si Elrey Binoe ay gusto na talaga nitong mag-artista. Kasi naunsyami ang supposedly first movie nila ng kanyang Mommy Dovie dahil naloko nga ng isang fake movie director.

Pero this time ay seryoso na si Dovie para sa pelikulang gagawin kasama si Elrey Binoe na ididirek ng kaibigan niyang director na si Vic Tiro na expert sa martial arts kaya patu­turuan niya rito ang anak.

Pangarap din ni Elrey Binoe na kapag nabigyan ng opportunity ay gusto niyang makatrabaho ang idol na si Robin Padilla. Maliit pa lang daw si Elrey ay marami nang napanood na action movies ni Robin, at gusto niyang maging action star tulad ni Binoe. Gusto rin ni Dovie na mahasa ang singing voice ng anak para sa concert na ipo-produce niya rito sa Filipinas ay maging confident nang kumanta sa stage.

At kung kakanta si Elrey Binoe ay sasayaw naman ng kantang pinasikat ng VST and company ang controversial social media personality Mom na si Dovie.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …