Kaya naman pala matitibay ang sikmura ng mga miyembro ng sinidikatong scammer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ‘e protektado sila ni Attorney at ng isang Kapitan.
Kaya tuloy lang ang ligaya at raket nina alyas Mimiyaw, May-may, Plinky, Pol Dim, Gunggong, Riyu, Ranmo, Dithju, Celmari, at isang Tere.
‘Yang sindikato na ‘yan ay walang ibang binibiktima kundi ang overseas Filipino workers (OFWs) na bumibili ng plane ticket sa kanila na halos triple ang presyo.
Tagang-taga talaga at komo gusto nang makauwi sa kanilang probinsiya ng mga OFW ‘e pumapasok sa mga bitag nila.
Sana ‘e ‘yang mga walanghiya na ‘yan ang matabunan ng kumukulong putik ng bulkan.
Mga animal!
Wait, there’s more.
Kasama rin sa grupo nila ang isang alyas Samsam na ang lakad naman ay mangbiktima ng mga foreigner na dinadala sa mga club at doon nililimas o inieskoba ang kuwarta ng dayuhan.
At kahit garapalan na nga ang ginagawnag kawalanghiyaan ay hindi matinag-tinag dahil protektado ni Attorney at ni Kapitan.
Kaya parang ginahasa na ang pangalan ni General Manager Ed Monreal dahil walang tigil sa kababanggit ang ‘colorum king’ na si Lakap-Lakap.
GM Monreal Sir, sila raw po ang dahilan kung bakit madalas ninyong nakakagat ang inyong dila…
Pirmi nilang kaladkad ang pangalan ninyo.
Papayag ba kayo GM Monreal?!
Ay kalusin n’yo na!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap