SA unang pagkakataon ay magsasama-sama sina Ella May Saison, Luke Mejares, Nina, Juris, at Ito Rapadas ng Neocolours sa kauna-unahang pagkakataon sa ikatlo at pinakapabolosong installment ng pinag-uusapan at inaabangang yearly #LoveThrowback Valentine concert franchise na magaganap sa 15 Pebrero (Sabado, 8:30 p.m.) sa PICC Plenary Hall.
Sa direksiyon at konsepto ni Calvin Neria, handog ng musical spectacle na ito ang pinakaromantikong Pinoy love songs na nagbigay kahulugan sa love stories ng ilang henerasyon ng ‘di mabilang na mga Pinoy. Dadalhin ng #LoveThrowback3 ang manonood sa isang roller coaster musical journey na magpapaalala sa kanila ng sakit, ligaya, kabiguan, pagkawagi, pait, at tamis ng pag-ibig.
Kasama si Marc Lopez bilang musical director, ang mga loyal fans at music aficionados ay maaaring maghanda sa isang ‘di malilimutang gabi ng musika habang aawitin nang live ng stellar cast ng show ang kanilang greatest hits gaya ng soulful classics ni Ella May na Till My Heartache Ends at If The Feeling Is Gone; ang di mapapantayang bersiyon ni Luke ng Kahit Kailan and Love Of My Life; ang stirring na rendisyon ni Nina ng Someday at Jelaous; ang heart wrenching hits ni Juris na Di Lang Ikaw at A Love To Last A Lifetime; at ang anthemic masterpieces ni Ito Rapadas na Tuloy Pa Rin at Maybe, at marami pang iconic na love songs na lahat ay bahagi ng soundtrack ng love life ng bawat Pinoy.
Part ng proceeds ay ido-donate sa GASFI (Gig and the Amazing Sampaguita Foundation, Inc.), isang non-stock at non-profit na organisasyon na ipino-promote ang “Twenty Minutes at Bedtime, Read With Your Child” sa pagpapalakas ng family ties upang mapag-ibayo ang pagmamahal ng isang bata sa pag-aaral.
Nagsimula ang GASFI bilang book donor program na nanghihikayat sa bedtime reading. Mahalaga ang papel ng organisasyon at ang mga volunteers nito kung bakit may mga libro para sa mga kabataan sa mga komunidad na walang access sa mga libro. Maliban dito, importante rin sa GASFI ang edukasyon at makikita ito sa scholarship program nito na may 9 iskolar sa kolehiyo.
Para sa karagdagang impormasyon at updates ukol sa #LoveThrowback3, i-like ang LoveThrowback3 sa Facebook. Para sa tikets, kontakin ang TicketWorld sa 891-9999 o bisitahin ang http://www.ticketworld.com.ph.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio