Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

James at Nadine, ‘di talaga hiwalay; Magkasamang umakyat ng Mt. Ulap

MUKHANG pinatutunayan ng JaDine fans at friends na hindi talaga hiwalay sina James Reid at Nadine Lustre dahil sunod-sunod ang pag- upload nila ng mga litratong magkasama ang magsing-irog.

Nasulat kamakailan na hiwalay na ang dalawa na inalmahan ng mga kaibigan nila at ipinost na magkasama ang dalawa sa bahay ng kaibigan nila sa Makati City na sabay sinalubong ang 2020.

Bukod dito ay nakapanayam ni TV Patrol reporter MJ Felipe si James at nabanggit nga nitong magkasama sila ni Nadine na sasalubungin ang Bagong Taon na itin-tweet naman ng katoto.

Nakausap din si Coleen Garcia sa presscon ng pelikula niyang MIA na magkakasama nga sila ng JaDine noong Bagong Taon at masaya ang dalawa at hindi pa ba sapat iyon para sabihing hindi sila hiwalay.

At heto may bagong post na naman ang kaibigan din ng JaDine na si jeriko.tan ng litratong nasa tuktok sila ng Mt. Ulap nitong Lunes na may caption na, “Started 2020 right. Great views and great company.”

Tsinek namin ang lahat ng litrato ni jeriko.tan at may mga litrato si James na sabay silang umakyat at si Nadine naman ay kasama ang kaibigang babae na magkakasama sila sa isang grupo.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …