Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

National Tala Day, tagumpay; ArMaine, trending ang Tala version

NATIONAL TALA nation day kahapon sa buong Pilipinas na ipinalabas sa ASAP Natin ‘To ang mga lalawigan ng Cebu, Davao, Butuan, Iriga, Bicol Region, Baguio, at Iloilo na sumasayaw ng latest dance craze ngayon ng bansa.

Ang awiting Tala ni Sarah Geronimo ay tatlong taon nang nai-record at ngayon lang sumikat nang husto nang mag-post ang ilang netizen ng sarili nilang version na ginaya na rin ng lahat at pati mga kilalang personalidad ay naki-Tala na rin.

Pinagunahan ni Sarah G kasama ang G Force dancers sa pangunguna ni Teacher Georcelle Dapat – Sy ang pagsayaw ng Tala sa ASAP Natin ‘To kahapon na ginawa sa center road ng ABS-CBN hanggang sa studio ng nasabing programa.

Naalala naming bigla ang dance music na Macarena na sumikat noong 1993 na release sa Spain mula sa Los Del Rio na una nilang hit song at naging national anthem ng buong mundo as in.  Mangyari rin kaya ito sa Tala?

Hindi rin nagpahuli ang mag-dyowang Arjo Atayde at Maine Mendoza dahil maski sila ay nag-post na rin ng kanilang sariling version ng Tala nitong Sabado ng gabi.

Si Maine ang nag-post sa kanyang Tweeter account ng video habang sumasayaw sila ng boyfriend niya na may caption na, “The things I for for you, Arsho.  #pospter.” Popster din pala kasi ang dalaga.

Umabot sa 1.3M views, 190k likes, at 25k retweet as of this writing ang version ng ArMaine ng Tala.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …