Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

3Pol Trobol: Huli Ka Balbon ni Coco, level-up ang kuwento

UMABOT sa mahigit na 42k ang nag-like nang i-post ni Julia Montes sa kanyang Instagram account ang poster ng pelikula ni Coco Martin na 3Pol Trobol:  Huli Ka Balbon na entry ng aktor sa 2019 Metro Manila Film Festival.

Matatandaang unang ipinost ni Julia ang larawan ni Coco noong batiin niya ito sa nakaraang kaarawan, Nobyembre 1.

Iisa ang nasabi ng mga nakapuna ng posts ni Julia, “mukhang okay na ulit sina Coco at Julia kasi nagpo-post na si Juls, eh.”

Sa pagkakaalam naming, in speaking terms naman sina Coco–Julia at hindi lang ito ipinamamalita pa para hindi na gawan ng isyu.

Pero may nagtanong naman din, “paano si Yassi (Pressman)).”

Binalikan namin ng tanong, ‘anong bakit paano? Sila ba ni Coco?’

“Hindi mo ba alam? Kaya nga muntik mapaaway si Coco sa nakaraang ABS-CBN Ball kasi may gustong makipag-sayaw kay Yassi sumama tingin ni Coco?”

‘Yan ang wala kaming alam na may ganoong senaryo pala sa nasabing ball. Anyway, baka kasi kapag may kasamang ibang lalaki ang girl, dapat hindi na ito pinakikialaman o niyayayang sumayaw kahit pa magkakilala kayo.

“News black out ‘yun,” sabi pa sa amin ng mismong taga-ABS-CBN.

Oh well, hindi naman kami magtataka kung hindi nga ito naibalita dahil tiyak na hindi rin ito inilabas ng news at kung sakaling nakunan nila ay hindi nila ito ieere.

Going back to 3Pol Trobol, iisa ang sabi ng lahat, “level-up ang kuwento ng ‘3Pol Trobol’ dahil maraming karakter dito si Coco na gugustuhin ng lahat.”

Ang nasabing pelikula ay idinirehe ni Coco Martin, siya rin ang nagsulat, nag-produce, at artista.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …