MAY 2nd chance kaya sina Sue Ramirez at Joao Constancia na nagpahayag kamakailan ang miyembro ng Boyband PH na mahal na mahal pa rin niya ang dalaga?
Kaya namin nabanggit kung may 2nd chance ay sa dahilang may matinding gusot ngayon sina Sue at ang nababalitang boyfriend niyang producer/actor na si Javi Benitez.
Nakatatawa ang dalawang ito, hindi pa man umaamin mauuwi na sa hiwalayan agad?
Hindi naklaro ng aming source kung sino ang clingy sa dalawa na hindi naman puwede dahil maraming ginagawa ngayon si Sue. So posibleng si Javi ang gustong laging kasama ang aktres?
Wait na lang natin ang presscon o mediacon ng pelikula nina Javi at Sue para malaman kung ano na ang tunay na estado ng relasyon nila, kung sila pa o papunta na sa wala.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan