SOBRA ang kaligayahan at pasasalamat ng Kapuso actress na si Pauline Mendoza dahil finally ay dumating na ang hinihintay niyang break. Matapos mapanood sa Little Nanay, That’s My Amboy, My Love from the Star, at Kambal, Karibal, ang 20 year-old na aktres ay bida na sa forthcoming TV series ng GMA-7.
“Sobrang thankful po sa GMA Network, GMA Artist Center, sa aking manager Boss Vic del Rosario, Jr., and of course kay Ms. Gigi Lara po and sa taong laging gumagabay sa akin, ang aking handler po na si Kuya Gerald Chiang. Dahil binigyan po nila ako ng isang malaking tiwala na gumawa ng isang ganito kagandang project and I will be forever grateful.
“Nagpapasalamat po ako sa tiwala na ibinigay nila. Talagang pagbubutihan ko po ito! And this is it! I will make them all proud,” masayang saad ni Pauline.
Dagdag ng aktres, “Makakasama ko po rito sina Ms. Carmina Villaroel, Mr. John Estrada, David Licauco, Dave Bornea, Liezel Lopez, Kristoffer Martin, at mayroon pa pong iba, directed by Direk Jules Katanyag.”
Samantala, isa pang naunang blessing kay Pau (nickname ni Pauline) ay nang officially maging BeuateDerm baby na siya. “Siyempre po tito, I’m really grateful po talaga kay Momi Rei, Tito Sam and to all my Beautederm family,” saad ni Pau patungkol sa husband and wife bossings ng BeauteDerm.
Patuloy niya, “Kasi binigyan po nila ako ng ganitong opportunity, ipinagkatiwala po nila ako sa magagandang produkto nila. And proud po ako, kasi talaga naman pong napakaganda ng products ng Beautederm, talagang worth it.”
Sabi ni Ms. Rhea ay bibigyan sila ng Kabuhayan showcase, saang mall niya gustong magkaroon ng BeauteDerm store?
Tugon ni Pau, “Nagulat po kami lahat sa pa-surprise ni momi Rei sa amin pong negosyo package. ‘Yun po pala ang sinasabi niyang excited siya sa suprise niya sa amin and mas nagulat po kami. We’re all very thankful po sa kanya and to tito Sam. Gusto ko po sana, sabi ko nga kay momi Rei ay near lang po sa akin, like SM Marikina po, since taga-Marikina po ako. Para madali ko rin po maasikaso kapag wala akong tapings.”
Ano ang reaction niya sa sabi ni Ms. Sylvia Sanchez na malakas ang benta talaga ng BeauteDerm, kaya nagtayo siya ng second store? “Agree po ako talaga riyan. Malakas po talaga kahit saang lugar, gaya ko po sa Marikina nag-start na rin po kasi ako ng online and ‘yung mga client ko po naghahanap na po sila kung saan daw po ang store ko. Nagpa-panic talaga po ang mga tao kapag nauubusan na sila ng stocks, which is nakatutuwa po talaga,” saad ng magandang aktres.
Samantala, bubuksan ngayong araw (Biyernes) ang 100th store ng BeauteDerm sa 3rd Floor Ayala Malls Manila Bay na tinawag na Skinfrolic by Beautéderm.
Kabilang sa Beautéderm ambassador na makikita rito sina Ejay Falcon, Ria Atayde, Jane Oineza, Camille Prats, Pauline, Hashtag Ryle, Alex Castro, Alynna Asistio, Anne Feo, Sherilyn Reyes-Tan, Shyr Valdez, Alynna Velasquez, Kitkat & Dessa.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio