Wednesday , December 25 2024
Kathy Dupaya Joel Cruz
Kathy Dupaya Joel Cruz

Abogado ni Joel Cruz nangamote sa ebidensiya, Kasong estafa vs Dupaya ibinasura ng piskalya

HINDI sustenable ang ebidensiyang iniharap ng kampo ng tinaguriang ‘lord of scents’ na si Joel Cruz laban sa Brunei-based businesswoman na si Kathelyn dela Cruz Dupaya kaya ibinasura ng piskalya ng Quezon City ang kasong estafa laban sa huli.

Sa resolusyong inilabas ng piskalya, isinaad na “The case lacks any evidence of any false pretense or fraudulent act of which respondent committed prior to or simultaneously with the commission of the fraud. Nowhere in the complaint-affidavit nor in the attached Annexes and other pleadings offered by the complainant can we find any clear act of respondent that would constitute as deceit.”

Isinaad din sa resolusyon na matapos ang maingat na pagsu­suri sa mga ebidensiyang iniharap ng mga abogado ni Cruz, walang nakitang probable cause o posibleng dahilan ang piskalya para isampa ang kasong estafa laban sa respondent na si Dupaya.

Ikinatuwa ng respon­dent na si Dupaya ang pagkakabasura ng reklamong estafa laban sa kanya ng tinaguriang ‘lord of scent’ dahil sa totoo umano halos sobra pa ang naibalik niyang pera kay Cruz nang patawan ng 1% interests kada araw ang perang hindi niya naibabalik.

Magugunitang, kinasuhan ni Cruz ang negosyanteng nakabase sa Brunei dahil sa umano’y ‘tinangay’ na halos P40 milyones sa kanya.

Sinabi noon ni Cruz, nabigo siya na makolekta ang kaniyang investment at tubo sa mga negosyo ni Dupaya sa Brunei.

Sa panayam sinabi ni Cruz noon, “Starting December 5, 2017 up to now, wala na siyang ibinigay na interes na promise niya may 6 percent interest doon… It’s Philippine money, P29,750,000 plus US$200,000 [ang ipinu­hunan ko],” ani Cruz.

“Kung nasa P52 ngayon ang rate, nasa P40 million na lahat-lahat.”

Bumuwelta noon ang negosyanteng si Kathy Dupaya sa ikinasong estafa laban sa kaniya ni Cruz.

Giit ni Dupaya, nahu­huli lang umano ang pagbabayad niya sa mga namuhunan sa kaniya dahil atrasado rin ang koleksiyon niya pero kumita naman ang investments nila.

Handa umano siyang harapin ang estafa na isinampa sa kaniya ni Joel Cruz.

Dagdag ni Dupaya, nahihirapan daw siya sa one percent kada araw na ipinataw ni Cruz na interest sa mga delayed payment.

Reklamo ng nego­syante, niloko siya ng ‘lord of scent’ matapos pagbentahan ng expired na mga pabango.

“Lahat ng ipinadala niyang perfume, expired. Wala rin akong BIR receipt,” ani Dupaya.

Sa pagkakabasura ng kasong estafa laban kay Dupaya, sinabi niyang, “the truth always prevails.”

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *