Thursday , December 26 2024

Digong hiniling mamagitan… Sabotahe duda sa Iloilo blackout

NANAWAGAN kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mama­mayan ng Panay upang alamin ang totoong kaganapan sa serye ng mga blackout sa nasabing lugar makaraang lumu­tang ang mga espeku­lasyon na ang nasabing power outage ay ‘pinag­planohan’ at sinabotahe.

Ayon sa mga residente, sakaling totoo ang duda na ang Iloilo blackout ay sinabotahe, kailangang papanagutin ng Pangulong Duterte kung sinoman ang may pakana dahil ang mga mamamayan ng Iloilo ang naging biktima nito.

Mismong industry sources ang nagsabi na ang dalawang araw na blackout noong 29 at 30 Oktubre sa Iloilo ay “highly irregular” at kahina-hinala.

Noong 29 Oktubre, dalawang coal-power plants ang sabay na tumigil – ang PEDC plant na pag-aari ng Global Business Power (GBC) at ang Palm Concepcion Power Corporation (PCPC).

Ang PEDC plant ay may nakatakdang shut­down ng araw na iyon, ngunit ayon sa insiders, nagbalik ang operasyon ng PCPC noong 2 No­byembre — limang araw pa makaraan ang shut­down.

Ayon sa insiders, ito ay lubhang kaduda-duda maliban kung ang planta ay nagkaroon ng major breakdown.

Kadalasan, anang sources, ang power lines at power plans ay itinitigil dahil sa mga dahilang pangkaligtasan pero manunumbalik ang operasyon sa loob ng 5-6 oras.

Gayonman, iba ang naging kaso sa PCPC na inabot nang tatlong araw pa bago bumalik sa operasyon.

Ang blackout sa Iloilo ay naganap sa gitna ng pagtatalo sa power dis­tributorship sa nasabing lugar sa pagitan ng kasa­lukuyang power distri­butor na Panay Electric Company (PECO) at ang baguhang More Electric Power Corporation (MORE Power) na pla­nong mag-take-over sa assets ng PECO.

Lumilitaw na si Ruel Castro, presidente ng MORE Power, ay dating presidente ng PCPC.

Batay din sa pagsu­su­ri sa Securities and Exchange Commission (SEC), ang grupo ni Castro ay nagmamay-ari rin ng minority stake sa PCPC.

Ito ang nagbunsod ng hinala na ang malawa­kang blackout ay dahil sa pagtatangkang sirain ang imahen ng PECO bilang power provider sa Iloilo at gamitin ang insidenteng ito para sa black pro­paganda.

“Nangyari ang black­out dahil sa mga kadahi­lanang hindi kontrolado ng PECO. Ngunit ginamit pa rin ito ng MORE Power upang palabasin na kasalanan ng PECO ang blackout nang hindi man lamang tinitingnan ang totoong kaganapan,” ani Marcelo Cacho, Head of Public Engagement and Government Affairs ng PECO, na pinatungkulan ang mga lumabas na news item mula sa MORE Power na sinisisi ang PECO sa naganap na power outage.

“Una sa lahat, nais naming linawin na ang PECO ay isang power distributor at hindi isang power generator,” ani Cacho. “Nagdi-distribute lang kami ng power mula sa gine-generate ng National Grid Cor­poration of the Philip­pines,” dagdag niya.

Batay sa mga nau­nang naglabasang ulat, sa ikalawang araw ng black­out noong 30 Oktubre ay naibalik agad ng NGCP ang power sa loob lamang ng kalahating oras.

“Gayonman, taliwas sa mga naglabasan sa pahayagan, hindi naman totoong naibalik ng NGCP ang power sa loob ng kalahating oras,” ani Cacho. “Sa katunayan, hindi kami tumigil ng paghingi ng updates mula sa NGCP pero wala naman kaming natang­gap. Pinayohan lamang nila kami na maaari nang maibalik ang power, 11 oras makaraan ang power outage,” dagdag ni Cacho.

Ayon kay Cacho, matagal na silang nagpa­tupad ng rotating brown­outs, taliwas din sa pahayag ng MORE, at binigyang prayoridad nila ang mga residential areas na walang generator sets.

“Ang mga pahayag ng MORE ay hindi base sa tunay na mga kaganapan kundi isang pagtatang­kang sirain ang PECO upang itago ang katototo­hang wala talaga silang kasanayan sa power distribution at walang kapasidad na pagsilbihan ang Iloilo sa aspektong ito,” ani Cacho.

“Nagagalit ako dahil ginagamit nila ang mga mamamayan ng Panay na siyang biktima ng lahat ng ito. Sa coal plant shutdown at ang halos magkakasabay na sunog sa mga poste sa iba’t ibang lugar sa Iloilo ay napaisip talaga ako na may nangyayaring hindi tama sa likod nito,” ani Cacho.

“Tinatanong kami ng mga customer: baka naman sinasabotahe kayo ng mga tao o grupo na gusto kayong patalsikin at agawin ang panga­ngasiwa ng power mula sa inyo?”

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *