Thursday , February 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Imelda Papin
Imelda Papin

Imelda Papin, line producer ang bagong pinagkakaabalahan

NAKABIBILIB naman ang estamina ng Vice Governor ng CamSur na si Imelda Papin. Imagine, ang dami niyang project na ginagawa bilang public servant maliban pa ang dalawang showbiz organization na inaasikaso niya. Nariyan din ang pagiging line producer na ang unang project ay ang The Miguel Malvar Story.

Sa totoo lang, nagulat kami nang malaman ang bagay na ito nang nag-guest siya sa aming show, The Stage Is Yours over EuroTV. Imagine, may oras talaga siya para maging line producer ng isang big budgeted movie na ang bida ay ang ating Pambansang Kamao na si Manny Paquiao.

Naitanong namin kay Manay Mel ang ukol sa posibilidad na hindi matuloy ang pelikula dahil sa hindi pagpayag ng mga kaanak ni Malvar.

Aniya, nagkaroon lang ng kaunting hindi pagkakaunawaan o miscommunication pero very positive siya na maaayos din. Ang pinakahuling balita ay nagsimula nang mag-shooting ang pelikula.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Cristine Reyes Gio Tiongson

Cristine Reyes kakaririn pagsusulat ng script

MATABILni John Fontanilla MUKHANG balak na ring pasukin ng Viva artist na si Cristine Reyes ang pagsusulat ng script. …

Onemig Bondoc Aiko Melendez Ogie Diaz

Ogie kinompirma Onemig at Aiko mag on na

MA at PAni Rommel Placente NANG tanungin namin si Onemig Bondoc kung sila na ba ni Aiko Melendez, …

Matteo Guidicelli Kim Chiu

Matteo puring-puri pagiging matulungin ni Kim

MA at PAni Rommel Placente PERSONAL na nagpunta sa Cebu City last year ang isa …

EJ Falcon

EJ Falcon balik-showbiz

I-FLEXni Jun Nardo BLESSING in disguise para kay EJ Falcon ang pagkatalo niya bilang congressman sa lugar …

Annette Gozon Ellen Adarna

Annette Gozon inispluk Ellen wala na talagang balak mag-showbiz

I-FLEXni Jun Nardo IKINATUWA ni Ms Annette Gozon Valdez, isa sa top executives ng GMA Network, ang lakas …