AFTER 10 years, maipalalabas na ang pelikulang ginawa nina Ariel at Maverick, ang kauna-unahang reality movie sa Pilipinas na kinunan sa Hollywood, ang Kings of Reality Shows.
Tsika ni Ariel, “Isinanla ko ang bahay ko, kaya ‘pag ‘di ito kumita makikita niyo na lang na nakatira ako sa tent.”
Dagdag pa nito, “Nagpapasalamat ako sa mga taong nilapitan ko at ‘di nagdamot na tulungan ako para matapos ang pelikulang ito at ng maipalabas na.”
Ilan nga sa mga taong nilapitan ni Ariel ay sina President Rodrigo Duterte, Davao Mayor Sara Duterte, Senator Antonio Trillanes, Senator Manny “Pacman” Pacquaio, Senator Bato Dela Rosa, Manila Mayor Isko Moreno, Cavite Cong. Strike Revilla, at Chaye Cabal-Revilla, Raffy Tulfo, Mocha Uson, Joey De Leon, Coco Martin, Regine Tolentino, Jose Manalo, Empoy, Jasmine Trias (American Idol Season 3 finalist), Suzette Ranillo, Cristina Decena, the late Eddie Garcia, at German Moreno, Maine Mendoza, at Alden Richards.
Iniaalay ni Ariel ang pelikulang ito sa lahat ng struggling artist ‘di lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo gayundin sa pinakamamahal niyang ina na si Mommy Elvie.
Ang Kings of Reality Shows ay mula sa panulat at direksiyon ni Ariel Villasanta, hatid ng Lion’s Faith Production, at ipamamahagi ng Solar Films at mapapanood na sa mga sinehan nationwide sa Nov. 27.
MATABIL
ni John Fontanilla