Thursday , June 4 2026
QC quezon city

Libreng palibing sa QC batas na

ANG MAMATAY  ay magastos, dahil ang serbisyo ng punerarya ay mahal at hindi kayang bayaran ng mga naulilang pamilya.

Ngunit dahil sa pag-aproba sa Ordinansa ng Libreng Palibing sa mga residente ng Quezon City, inihayag ni QC Mayor Joy Belmonte sa kanyang unang State of the City Address nitong nakalipas na Lunes, 7 Oktubre, makatitiyak na ngayon ang mahihirap na tao ng isang disenteng funeral services para sa kanilang yumaong  mahal sa buhay.

Ito’y matapos aprobahan ang ordinansa na isinulong ni District 5 Councilor Allan Butch Francisco, na sinasagot ng estado ang libreng pagpapalibing sa mga indigents at residente ng lungsod.

Ang Ordinansa ni Francisco ay upang maserbisyohan ang mga residente ng lungsod sa pamamahala ni Mayor Joy upang itaas ang burial assistance mula sa P10,000 hanggang P 25,000.

Sinabi sa ordinansa ng konsehal, upang tugunan ang pangangailangan ng mahihirap na residente ng lungsod sa panahon ng pagkawala ng kanilang mahal sa buhay, sa kabila ng mahirap na buhay sa pakikibaka sa araw- araw na gastos dahil sa maliit na kita at maliit na ipon.

Sa kasalukuyan, ang kamatayan ay hindi inaasahan kadalasan ng mga miyembro ng pamilya na nauulila at walang paghahanda para sa punenarya.

Ang pagkamatay ng isang miyembro ng pamilya ay malinaw na isang trahedya sa mahihirap sa pagkawala ng kanilang breadwinner at ang kanilang economic status para masus­tenahan ang kanilang pangangailangan para balikatin ang gastos sa punenarya sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay.

Sinabi ni Francisco, ang libreng serbisyo sa libing ay kabilang ang embalsamo, kabaong, at libreng pagpapalibing sa city-owned cemetery ng QC.

Ang naturang programa ay ipapatupad ng Social Services at Development Department (SSDD) ng Quezon City.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

OKGames

OKGames Brings Gaming and Entertainment Together at the OKGL Baccarat Master Series and OKAngels Finals

Lights dimmed, music filled the room, and anticipation grew stronger with every moment as OKGames …

PUREGOLD OPM CON GEN 2026 Feat

SB19, Ben&Ben, Alamat, Flow G
PUREGOLD IPINAGDIRIWANG TALENTO NG PINOY SA OPM CON GEN 

ITATAMPOK muli ng Puregold ang malalim na ugnayan ng mga Filipino at ng OPM sa Araneta Coliseum …

BingoPlus VIP Clubs First every winner of the BMW X1 Hybrid

BingoPlus VIP Club’s First every winner of the BMW X1 Hybrid

BingoPlus VIP Clubs First every winner of the BMW X1 Hybrid Manila, Philippines — A …

SM Bacolod Bulawan Trade Fair

5 Reasons Shoppers are Obsessed with the Bulawan Trade Fair at SM Bacolod
Discover Negrense artisans, local finds, and exciting experiences that deserve a spot on your plans

SM Supermalls and the Association of Negros Producers (ANP) formally open the Bulawan Trade Fair …

SM Supermalls cycling bicycle

SM Supermalls Expands Nationwide Push for Cycling Through Bike-Friendly Facilities and Active Mobility Initiatives

MANILA, Philippines – Since the energy crisis, many Filipinos have been exploring alternative modes of …