Thursday , June 4 2026

Paris of the East, masisilayan sa Maynila, Mehan Garden style Florida

MALAPIT nang masila­yan ng mga Batang May­ni­la ang bagong mukha ng Jones Bridge na kasalu­kuyang  ginagawa ang transpormasyon.

Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ina­a­­sahan sa 20 Oktubre ay masisilayan ang bagong mukha ng Jones Bridge o tinawag niyang “Paris of the East.”

Kahit masama ang pakiramdam ng alkalde ay patuloy pa rin siyang nag-iikot upang bisitahin naman ang Mehan Garden.

Natuwa ang alkalde sa malaking pagbabago ng parke dahil sa mga inilagay na fountain na nag-iiba ang kulay na ilaw gayondin ang mga palm tree na pinalibutan ng ilaw na lalong nagbigay-liwa­nag sa buong parke at tinawag ng alkalde na parang Florida.

Nagpasalamat din ang alkalde sa Boysen dahil sa laki ng kanilang naitulong para sa pagpi­pintura ng flooring sa parke para maging ligtas ang mga namamasyal doon dahil ang pinturang ginamit ay rubberized.

Aniya, kalahating dekadang napabayaan ang Mehan Garden at ngayon hindi na kailangan magpunta pa sa Ayala Triangle dahil napaka­ganda na ng parke sa Maynila.

Pinasalamatan din ni Moreno ang city electrician at city engineering dahil sa magandang resulta ng muling pagbuhay sa Mehan Garden.

Malinis na rin ang comfort rooms (CR) na gawa sa marmol/granite kaya naman nakiusap ang alkalde sa mga bata na huwag itong bababuyin kundi alagaan upang mapanatiling maayos at malinis. Nakiusap ang alkalde sa publiko at sa Batang Maynila lalo sa mga estudyante ng UDM na alagaan ito upang mas marami pang mga parke ang maaaring maibalik sa mga Manilenyo.

“Ipaaayos pa natin ito para maging vibrant naman ang Maynila. Patikim pa lamang ito at sa tulong ninyo magta­tagumpay  tayo,” paha­yag ni Moreno.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …