Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Henerasyong Sumuko sa Love trailer humamig ng 9M views and still counting (Hindi pabebe barkada movie)

Majority ng ginawang movies ng director na si Jason Paul Laxamana ay hit sa takilya. Dito sa kanyang latest movie na Ang Henerasyong Sumuko Sa Love, sinabi ni Direk Paul sa kanilang recent mediacon noong magkausap sila ni Ma’am Roselle Monteverde na gustong gumawa ng barkada movie ng Regal Entertainment.

Ayon Direk Paul, gusto niya ay youth oriented movie na no holds barred, hindi siya pabebe na tulad ng mga napapanood natin. At dito na nga nabuo ang cast, na kinabibilangan nina Tony Labrusca, Jane Oineza, Jerome Ponce, Albie Casino at Myrtle Sarrosa at lahat ay pumayag na mag-daring sa film dahil kailangan sa istorya.

Pero ayon kay Tony, total opposite sa “Glorious” ang gagampanang character. Nasa bucket list rin daw ng actor na makagawa ng ganitong klase ng pelikula , and working with everybody was really great, ayon pa sa Kapamilya hunky actor.

“Idol ko si Direk Paul, ‘yung The Day After Valentine’s at pinanood ko ang films niya. Masaya ako na natanggap ko ang project, at ‘yung cast mga friends and new friends and na-feel ko na barkada film itong movie namin,” say naman ni Jane.

Sina Myrtyle at Albie na live-in partner sa movie ay may intimate scenes at magmamarka sa lovers ‘yung dialogue ni Myrtle na, “Bakit pa tayo magkakaroon ng level, kung eventually ay maghihi­walay din tayo.”

Gay naman ang character dito ni Jerome na aminadong natakot na i-portray ang role pero nagawa naman nang maayos at may shower scene at love scene sila rito ng gumaganap na lover.

Naku, huwag n’yo itong palampasin at sa October 2 na ang showing in cinemas nationwide.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …