Monday , November 25 2024
Malacañan Kamara Congress

Ambush kay Espino kinondena ng Palasyo at Kamara

KINONDENA ng Pala­syo ang pananambang kamakalawa kay dating Pangasinan Governor at ex-Representative Amado Espino, Jr. sa Barangay Magtaking, San Carlos City.

Sa kalatas ay sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na wa­lang puwang sa demo­kratikong lipunan ang nangyaring tangkang pag­patay sa dating go­bernador.

Tiniyak ni Panelo, kumikilos ang mga awto­ridad at hindi titigil sa pagtugis sa mga nasa likod ng tangkang pagpa­tay.

Napatay sa insidente si PO3 Richard Esguerra, aide ni Espino habang stable na ang kondisyon ng dating gobernador.

Matatandaang nai­sama sa narco-list si Espi­no pero tinanggal din mata­­pos na mabere­pikang hindi siya dapat na makabilang sa drug list.

Samantala, nagpa­hayag din ng pagkondena ang liderato ng Kamara sa ambush kay dating congressman Amado Espino sa San Carlos City na ikinamatay ng kan­yang bodyguard.

Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez ng Leyte at Deputy Speaker Raneo Abu ng Batangas dapat managot ang mga salarin sa karumaldumal na pananambang.

“The House leader­ship under Speaker Alan Peter Cayetano condemns in the strongest possible terms the ambush in­cident. We appeal to our authorities to arrest those behind this dastardly act,” ani Romualdez.

Sa panig ni Abu, sinabi niyang walang puwang ang ganitong gawain sa isang demo­kratikong bansa.

“This deplorable act of violence has no place in a democratic society like ours,” giit ni Abu.

“Our authorities should relentlessly pursue and arrest the suspects and mastermind,” ani Abu.

Ayon sa ulat na naka­rating sa opisina ni Abu, matindi ang tama ng bala kay Espino pero nasa “stable condition” sa ngayon sa isang ospital sa San Carlos City kung saan siya dinala matapos ang ambush nitong Miyer­koles dakong 4:00 pm.

Maliban sa pag­kakatagpo sa dalawang kotse na ginamit ng mga assassin, hindi pa natu­tukoy kung sino ang mga salarin.

(ROSE NOVENARIO/GERRY BALDO)

About Rose Novenario

Check Also

Mikee Quintos Paul Salas

Paul at Mikee naiyak sa ganda ng kanilang pelikula

I-FLEXni Jun Nardo WORTH it ang unang big screen team up ng showbiz couple na …

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *